PPPs Posibleng Solusyon sa Classroom Congestion


Sen. Aquino nanawagan ng agarang aksyon para matugunan ang classroom congestion bansa

Isinulat ni MANG INASAL


SURALLAH,South Cotabato — Hinimok ng isang Filipino politician, media personality at kasalukuyang bahagi ng senado ang gobyerno na palakasin ang paggamit ng Public-Private Partnerships (PPPs) bilang solusyon sa matagal nang problema sa classroom congestion sa bansa, sa ginanap na public hearing ng Committee on Basic Education nitong Lunes.

Ayon kay Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, sa panukalang resolusyon na Senate P.S. Res. No. 252, nakasaad ang planong pondohan ang pagtatayo ng 26,000 classrooms ngayong 2026 mula sa halagang ₱1.34  trillion, kung saan ₱67.9 bilyon ay nakalaan para sa classroom construction.

Sa isinagawang senate hearing kamakailan lang, ibinahagi ni Sen. Aquino ang tatlong pangunahing modality na kasalukuyang ginagawa ng Department of Education (DepEd) upang masolusyunan ang classroom congestion sa ilang pampublikong paaralan sa bansa. 

“Mahalaga na kumilos tayo bilang isang bayan. Dapat magawa ang classrooms sa tamang presyo, tamang paraan, at tamang panahon,” panawagan niya.

Itinampok niya din ang tatlong modalities na ginagawa ng DepEd, kabilang dito ang pagpapatayo ng mga silid-aralan sa pamamagitan ng Local Government Unit ( LGU), Department of Public Works and Highways (DPWH), at ang panghuli at sinsabing pinaka epiktibo sa tatlong modalities ay ang Public-Private Partnership (PPP).